77% Pinoys nahirapan sa kawalan ng sasakyan, pagsasara ng negosyo – SWS

Sa resulta ng COVID-19 mobile survey ng Social Weather Stations (SWS) noong May 4-10 sa may 4,010 respondents na nakausap nationwide, 77 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang naapektuhan sa ginawang pagsuspinde sa public transport tulad ng bus, jeep, taxi at iba pa, o may 40% ang matinding naapektuhan, 37% ang medyo at 22% ang bahagyang naapektuhan.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nasa 77 porsyentong pamilyang Pinoy ang nakaranas ng matinding hirap pagdating sa kawalan ng masasakyan at pagsasara ng mga negosyo at pamilihan sa panahon ng COVID-19 crisis.

Sa resulta ng COVID-19 mobile survey ng Social Weather Stations (SWS) noong May 4-10 sa may  4,010 respondents na nakausap nationwide, 77 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang naapektuhan sa ginawang pagsuspinde sa public transport tulad ng bus, jeep, taxi at iba pa, o may 40% ang matinding naapektuhan, 37% ang medyo at 22% ang bahagyang naapektuhan.

May 47 porsyento ng pamilya na walang sasakyan ang higit na nakaranas ng matindi, 71% sa mga may-ari ng motorsiklo at e-bike; at 54% sa mga may-ari ng kotse at iba pang sasakyan na may apat na gulong.

Pinakamatinding dumanas ng hirap ang mga pamilyang nakatira sa Metro Manila (81%); Visayas, (78%); Mindanao, (77%) at nalalabing bahagi ng Luzon, 76%.

Ang pamilya sa Metro Manila ang nakatikim ng matinding epekto ng pagsasara ng negosyo at mga pamilihan na may 83 porsyento; Visayas, 82%; nalalabing bahagi ng Luzon, 80% at Mindanao, 78%.

Show comments