P14.1 billion nagasta sa PPEs, test kits

MANILA, Philippines — Umaabot sa P14.1 bil­yon ang nagasta ng pamahalaan sa pagbili ng mga Personal Protection Equipments (PPEs), test kits at iba pang me­dical equipments kaugnay ng paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Ito ang nilalaman ng lingguhang ulat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Kamara.

Kabilang sa nagasta ng gobyerno ay nasa P12.1 bilyon sa pagbili ng 6,062,019 PPE sets; P1.6 bilyong magkakaibang uri ng PCR (Polymerase Chain Reaction) test kits.

Samantala, nasa 10 units naman ng automated nucleic acid extraction machines ang nabili ng gobyerno sa halagang P400-M.

Iniulat din ni Pangulong Rodrigo na nasa 1,458,000 PPE sets ang nai-deliver na habang nasa 65,330 PPE sets ang nabili gamit ang sa­vings mula sa pondo sa naunang procurement.

Sinimulan na rin ng Department of Science and Technology ang mass production ng mga reu­sable face masks sa rate na 10,000 masks kada linggo at hangad itong mapataas sa 50,000/linggo bago magtapos ang Hunyo.

Show comments