Maraming mga manggagawa na na-stranded kahapon sa unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila ang nakisakay na lamang sa ilang motorista dahil; sa limitadong transportasyon kung saan hindi na napairal ang physical distancing.
Kuha ni Michael
COVID-19 sa Pinas pumalo na 18,638
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot na sa 18,638 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa update ng Department of Health na inilabas kahapon ng hapon habang ipinagmalaki nito na natapos na nilang iproseso ang mga backlogs ng tests na isinumite sa kanila ng mga laboratoryo.

Sa Case Bulletin No. 79 na inilabas dakong alas-5:22 kamakalawa ng hapon, nasa 552 bagong kaso ang nadagdag.  Sa naturang bilang, 433 ang umanoý ‘late cases’ habang 119 ang mga bagong kaso sa loob ng nakalipas na tatlong araw. 

Nasa 231 kaso ang buhat sa Metro Manila, 99 ang mula sa Region 7, 202 ang mula sa ibang rehiyon at 20 mula sa mga repatriated na oversease Filipino workers (OFWs).

May 70 pasyente naman ang gumaling sa sakit para sa kabuuang 3,979 recovies habang tatlo ang panibong nasawi para sa 960 death toll.

Ayon sa DOH, na-clear na nila ang lahat ng ‘case validation backlogs’ ng 27 laboratoryo na nagsumite ng kumpletong listahan at isang laboratoryo na nagsumite ng ‘partial list’.

Hindi muna sila mag-uulat ng ‘late cases’ hanggang hindi nakakapagsumite ng kumpletong ‘line lists’ ang ibang mga laboratoryo. Kasalukuyang may 42 lisensyadong laboratoryo ang DOH na nagsasagawa ng COVID tests.

 

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with