^

Bansa

NTC pinababasura ang petisyon ng ABS-CBN

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NTC pinababasura ang petisyon ng ABS-CBN
Umapela rin ang NTC na tanggihan ng SC ang hiling ng ABS-CBN para maglabas ng temporary restraining order (TRO)’ dahil sa naipatupad na umano ang cease and desist nang sumunod ang network dito matapos na huminto sila ng kanilang operasyon.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nagsampa ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) ng petisyon sa Supreme Court para ibasura ang naunang petisyon ng ABS-CBN Corp. laban sa ‘cease and desist order’ sa kanilang operasyon.

Umapela rin ang NTC na tanggihan ng SC ang hiling ng ABS-CBN para maglabas ng temporary restraining order (TRO)’ dahil sa naipatupad na umano ang cease and desist nang sumunod ang network dito matapos na huminto sila ng kanilang operasyon.

Kinuwestiyon ng OSG ang argumento ng ABS-CBN na nawawalan sila ng P30-P35 milyong kita kada araw na sarado sila. Iginiit ng OSG na maaaring isailalim ito sa ‘mathematical computation’.

Hindi rin umano dapat isangkalan ng network ang kapakanan ng kanilang mga tauhan na mawawalan ng trabaho at suweldo at maging ang kanilang mga viewers na sinasabing mawawalan ng isa sa mapagkakatiwalaang network na pagkukunan ng impormasyon.

Nagsampa nitong umpisa ng Mayo ang ABS-CBN ng petisyon laban sa utos ng NTC ngunit hindi pa ito inaaksyunan ng SC. Sa halip, hiningan muna ng korte ng komento ang NTC, Kongreso at Senado.

Sa kanilang 91-pahinang komento, iginiit ng NTC na ang inilabas nilang ‘cease and desist order’ ay balido dahil may awtoridad silang ipahinto ang ‘broadcast operations’ ng mga broadcast company na walang prangkisa buhat sa Kongreso.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with