Mag-asawa pinaiimbestigahan ni Duterte sa overpriced COVID test kits

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawa na nag-alok diumano ng overpriced na COVID medical equipment sa gobyerno.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Van William at Emily Co ang may ari ng  Omnibus Bio-Medical Systems Inc. na sinasabing eksklusibong distributor ng Sansure medical equipment sa bansa.

“And NBI should study the matter very, very carefully kasi alam mo --- alam mo itong mga p***** i**** negosyanteng ‘to, whether it’s really an issue of humanity and their greed, ‘yung hoarding na ano you cannot --- it’s part of the business ano practices which you may call not even obnoxious, it’s repulsive to the human mind when you start to think about it,” pahayag ng Pangulo.

Kamakailan ay tinawag ni dating Health Secretary na ngayon Iloilo Rep. Janette Garin ang atensyon ni Duterte upang paimbestigahan ang isang “very enterprising” na mag-asawa na iniuugnay sa overpricing ng Covid-19 testing kits at machines.

Ayon kay Garin, pinapahirapan ng mag-asawa ang pribadong sektor na makakuha ng testing equipment at supplies maliban na lamang kung papayag ang mga ito sa mas mataas na presyo.

Sa meeting kasama si Duterte, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi niya personal na kilala ang mag-asawa.

Ayon kay Budget Undersecretary Lloyd Lao ang mag-asawa ay kabilang sa mga bidders na intresadong magsuplay ng equipment sa gobyerno.

Hindi umano nanalo sa bidding ang mag-asawa dahil nakuha ito ng isang kompanya na nakabase sa Hongkong na exclusive distributor din ng Sansure.

Show comments