‘Enrollment simula na sa Lunes’ - DepEd

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, magtatagal nang isang buwan ang pagpapatala o mula Hunyo 1 hanggang sa Hunyo 30.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na simula na sa Lunes ang enrollment ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2020-2021.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, magtatagal nang isang buwan ang pagpapatala o mula Hunyo 1 hanggang sa Hunyo 30.

Nilinaw naman ni Malaluan na ang enrollment ngayong taon ay hindi katulad ng tradisyunal na pagpapatala ng mga estudyante kung saan ang mga magulang at mga estudyante ay nagtutungo pa ng personal sa mga paaralan.

Sa bagong enrollment aniya, ang mga da­ting adviser ng mga bata ang kukontak sa mga magulang ng kanilang dating mag-aaral para maitala ang mga ito.

Maaari aniyang gamitin ng mga ito ang online facilities ng mga paaralan.

Kung hindi naman aniya available ang contacts at online facilities, dapat na humanap ang mga paaralan ng pamamaraan para maipadala ang enrollment forms sa mga magulang.

Show comments