Secretary to the mayor tinodas
MANILA, Philippines — Isang secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guianio-Sayadi na si Aniceto Rasalan ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin habang papunta sa kanyang opisina ang biktima sa naturang lunsod.
Nabatid sa mga imbestigador na nasa loob ng isang eatery sa Notre Dame Avenue sa naturang lunsod si Rasalan nang lapitan siya ng isang lalaki na nagbunot ng isang pistol at binaril nang paulit-ulit sa ulo ang biktima.
Si Rasalan na mas kilala sa tawag na “Boy Rasalan” ay idineklarang dead on arrival sa Cotabato Regional Medical Center.
- Latest