Paglikha ng Medical Reserve Corps isinulong ni Go

Si Pangulong Duterte habang kausap sina Sen. Bong Go at mga miyembro ng Inter-Agency Task Force nang magpulong kaugnay ng krisis sa COVID-19.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Para mapadali ang pagresponde ng pamahalaan kapag mayroong health emergencies sa bansa, isinusulong ni Sen. Bong Go ang pagtatatag ng Medical Reserve Corps.

Layon ng Senate Bill No. 1451 o ang “Medical Reserve Corps Act of 2020”, na makalikha ng Medical Reserve Corps na bubuuin ng mga nagtapos ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health related fields at courses na may lisensya.

Inihalimbawa ng senador ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan naging punuan ang mga pribado at pampublikong ospital.

Ang kakulangan umano ng medical personnel ang isa sa mga naging dahilan kung kaya naging mabagal ang pagresponde sa nasabing sakit.

Sakaling maging ganap na batas ang panukala, maaring ipatawag ang Medical Reserve Corps para tulungan ang national government sa anumang national emergencies.

Sa ilalim ng panukala, ang kalihim ng Department of Health ang ma­ngunguna sa mobilization base na rin sa pakikipagtulungan sa Secretaries of National Defense, Education and Interior and Local Government.

Show comments