Pinay nurse sugatan sa artillery fire sa Libya

MANILA, Philippines  — Isang 60-anyos na Pinay nurse ang sugatan matapos ang isang artillery fire sa kapitolyo ng Libya, kamakalawa.

Ayon kay Phl Embassy Chargè d’ Affaires Elmer G. Cato, ang nurse ay ikatlo sa casualty si­mula nang sumiklab ang gulo sa Tripoli mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Nagtamo umano ito ng mga shrapnel wound sa balikat matapos na sumabog ang artillery sa compound na kanyang tinutuluyan at iba pang Pinoy hospital workers noong Sabado ng hapon.

Sa inilabas na advisory embahada, pinayuhan nito ang mga Filipino sa nasabing lugar na kapag nagkakaroon palitan ng putok ng mga malalaki o maliit man na armas ay agad silang lumikas para hindi maipit sa gulo.

Ginawa ng embahada ang pahayag dahil sa posibilidad na ang mga Filipino doon ay maging collateral damage dahil sa maraming ospital sa Tripoli ang tinatamaan ng artillery shells.

Mahigit sa 1,000 Pinoy sa Tripoli at mga katabing lugar ang nananatili at karamihan sa kanila ay hospital wor­kers.

Show comments