Pagkalat ng Chinese COVID-19 patients ikinabahala ng CIDG

Ani PNP-CIDG deputy director B/Gen. Rhoderick Armamento, ikinagulat nila ang nadiskubreng mini-hospital sa loob ng Villa 627 ng Fontana Leisure Park, na halatang nanggagamot ng mga coronavirus patient.
AFP/STR

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang opisyal ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pagkalat ng mga Chinese na may COVID-19 nang salakayin ang isang ospital sa Pampanga na iligal na nag-o-operate at hindi nagamot ng maayos at hindi nai-quarantine ang mga pasyenteng Chinese na kumonsulta rito.

Ani PNP-CIDG deputy director B/Gen. Rhoderick Armamento, ikinagulat nila ang nadiskubreng mini-hospital sa loob ng Villa 627 ng Fontana Leisure Park, na halatang nanggagamot ng mga coronavirus patient.

Sa nangyaring raid, nahuli ng PNP ang isang Chinese na ginagamot doon matapos makaranas ng ubo at pamamaga ng lalamunan.

Sinabi ni Armamento na nakatanggap sila ng impormasyon na pawang may mga respiratory problem tulad ng ubo, sipon, pamamaga ng lalamunan ang mga pas­yente sa nasabing ospital na manifestation ng COVID-19.

Inamin ni Armamento na delikado ang sitwasyon dahil hindi naka-quarantine ang nagpapa-check up kaya nanatili ang posibilidad na kumalat ang virus.

Dinala na sa lehitimong ospital ang nahuling Chinese patient at dalawang staff para masuri sa COVID-19.

 

 

Show comments