Proteksyon ng Bulakenyo laban sa COVID tinutukan
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2020 - 12:00am

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan , Philippines — Pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ang ilang mga kapasyahan at ordinansa para higit na mapalakas ang laban kontra sa coronavirus disease 2019 sa lalawigan.  Ayon kay Bulacan Vice Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado una nilang ipinasa sa Sanggunian ang supplemental budget para sa COVID-19 at ang deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan upang bigyang daan ang mga hakbanging hadlangan ang paglaganap ng COVID-19 sa Bulacan. Ilan din sa mga pinagtibay ang P500 hazard pay sa mga empleyado ng lalawigan at fontliner sa panahon ng pandemic, obligadong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar, at maagang pagpapalabas ng 13th month pay ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan. Hinikayat ng presiding officer ng Sanggunian ang ibayong pagpapatupad ng social distancing at pagsusuot ng facemask sa lalawigan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with