Kapalaran ng ABS-CBN nasa kamay pa rin ng Kongreso

MANILA, Philippines — Nasa kamay pa rin ng Kongreso nakasalalay ang kapalaran ng pagbibigay ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, maaari naman mapalawig ang existing franchise ng network sa pamamagitan ng joint o separation resolusyon na maaaring pagtibayan ng kahit alinman sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Muling iginiit ng ilang senador na maaring mag-isyu ang NTC ng provisional authority ang ABS-CBN para magpatuloy ng kanilang operasyon dahil ginagawa na aniya ito dati pa.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri dahil kada taon naman aniya ay nagbibigay ang NTC ng provisional authority sa mga nag-a-aaply at sa mga malapit nang magpaso ang prangkisa.

Bago magsara ang Kongreso noong Marso, pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na naglalayong bigyan ng provisional permit ang ABS-CBN para sa kanilang patuloy ng operasyon.

Ang Kamara naman ay sumulat sa NTC para payagan ang pagpapatuloy ng operasyon ng ABC-CBN habang hihihintay na desisyunan ng Kongreso ang aplikasyon ng franchise renewal nito.

Show comments