Matapos irekomenda ni Go dahil na rin sa apela ng ng mga LGUs, nakatakdang ilabas ng Department of Budget and Management ang P30.824 billion cash na ibibigay sa LGUs nang sa gayo’y matulungan ng mga ito ang lumalaking pangangailan ng kanilang constituents at sa ekonomiya na iginugupo ngayon ng COVID-19 health emergency.
Joven Cagande/ File
P30.8 bilyon one-time Bayanihan Fund sa LGU’s ilalabas ng DBM
(Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Matapos irekomenda ni Sen. Go

MANILA, Philippines  — Pinasalamatan at pinuri ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang hakbang ng pamahalaan na bigyan ng one-time Bayanihan financial assistance ang local government units para makaresponde at maayudahan ang kani-kanilang nasasakupan sa harap ng Covid-19 crisis.

Matapos irekomenda ni Go dahil na rin sa apela ng ng mga LGUs, nakatakdang ilabas ng Department of Budget and Management ang P30.824 billion cash na ibibigay sa LGUs nang sa gayo’y matulungan ng mga ito ang lumalaking pangangailan ng kanilang constituents at sa ekonomiya na iginugupo ngayon ng COVID-19 health emergency.

“Ang gobyernong lokal ang humaharap mismo sa araw-araw na problema ng kanilang mga nasasakupan. Tama lang na bigyan ng karagdagang pondo ang ating mga LGUs lalo na sa panahon ngayon na maraming walang trabaho at maraming umaasa sa ayuda mula sa gobyerno,” ani Go.

“Ang pondong ito ay magbibigay ng dagdag na kapasidad sa LGUs na tumugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad. Siguraduhin natin na walang magugutom para hindi magkagulo at maging cooperative ang mga tao. Malaking tulong ito para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng krisis,” dagdag niya.

Anang senador, dapat gamitin ang pera sa transparent na paraan at tiyaking makararating ito sa mga tunay na nangangailangan at naghihikahos.

Nauna rito, inirekomenda ni Go na ang one-time Bayanihan financial assistance ay katumbas dapat ng isang buwan na Internal Revenue Allotments ng bawat LGUs.

CHRISTOPHER BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with