Traditional Chinese medicine vs COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Pinag-aaralan ng DOH

MANILA, Philippines  — Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang maitutulong ng tradisyunal na Chinese medicine sa paglaban sa COVID-19.

Ito ang tugon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa katanungan kung bakit may kasama sa 12 Chinese doctors na eksperto sa traditional medicine.

“Kasali ang Pilipinas sa solidarity trial ng World Health Organization sa isang internasyunal na pag-aaral sa mga gamot na maaaring magbigay-lunas sa sakit.  Kagaya ng ibang complimentary medicine, tinitignan rin ang gamit ng traditional Chinese medicine laban sa COVID-19,” ayon kay Vergeire.

Bukod dito, apat sa 12 doktor na dumating sa Pilipinas ay mga eksperto naman sa ‘critical medicine’ na inaasahang malaking tulong sa pagtrato sa mga pas­yente na malala o kritikal ang kundisyon.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi aktuwal na manggagamot kundi magbibigay lamang ng kanilang ekspertong payo ang mga Chinese doctors base sa kanilang karanasan sa Wuhan. Iikot ang mga doktor sa iba’t ibang pagamutan ng DOH na tumatanggap ng COVID patients at mananatili sa bansa hanggang Abril 19.

DOH MARIA ROSARIO VERGEIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with