Ayon kay Benitez, dapat maglunsad ang TESDA ng isang online vocational training program para sa paggawa ng face masks, face shields, biohazard coveralls, gloves at iba pang Personal Protective Equipment (PPEs) habang ang DOLE naman ay maaaring magbigay ng seed money para sa raw materials at equipment.
STAR/ File
Trabaho sa mga Pinoy na naistranded sa bahay
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Hiling sa DOLE at TESDA

MANILA, Philippines  — Hinikayat ng negosyanteng si dating Negros Occidental Rep. Abee Benitez ang Department of Labor and Employment at Technical Education and Skills Development Authority na magbigay ng trabaho para sa milyong Pilipino na mga nasa bahay lang dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Benitez, dapat maglunsad ang TESDA ng isang online vocational training program para sa paggawa ng face masks, face shields, biohazard coveralls, gloves at iba pang Personal Protective Equipment (PPEs) habang ang DOLE naman ay maaaring magbigay ng seed money para sa raw materials at equipment.

Dapat anyang gawing oportunidad ang global demand para sa face mask at iba pang PPEs para magkaroon ng trabaho ang milyong Pilipino ngayon na walang ginagawa sa loob ng bahay. Malaking tulong din ito para sa mga frontliners laban sa COVID-19.

Mas maganda umano na mabigyan ng pangmatagalan na kabuhayan ang ating mga kababayan at isa sa tingin ni Benitez na magandang produkto ngayon ay ang face masks. 

ABEE BENITEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with