Hindi na nasunod ang social distancing sa haba ng pila ng mga tao sa isang supermarket sa Recto St., Tondo sa Maynila.
Edd Gumban
Pamamahagi ng Bayanihan Fund sinimulan sa Maynila at Parañaque
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon sa Maynila at Parañaque ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ma­ngunguna sa pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa mga kuwalipikadong mamamayan na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Pinayuhan ni Nograles ang mga mamamayan na hintayin ang pasabi sa kanila upang maging maayos ang distribusyon ng tulong.

Kasama rin sa uunahin ang mga benepis­yaryo ng 4Ps pero dapat aniyang iwasan ang pagkukumpulan sa mga bangko.

Samantala, tiniyak ni Nograles na tinitipon na ang mga nagastos at nagawa ngayong buong linggo upang maisama sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa COVID-19 na ipapadala sa Kongreso sa Lunes.

BAYANIHAN FUND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with