^

Bansa

Rizal vice mayor patay sa COVID-19!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rizal vice mayor patay sa COVID-19!
Ayon kay Joms delos Santos, noong Marso 25 ay natanggap nila ang kumpirmasyon ng Department of Heatlh (DOH) na positibo sa COVID-19 ang kanyang ama kaya agad itong isinailalim sa isolation.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines  — Namatay matapos magpositibo sa COVID-19 (novel coronavirus disease) ang vice mayor ng Jala-Jala, Rizal na si Jose “Jolet” delos Santos.

Ayon kay Joms delos Santos, noong Marso 25 ay natanggap nila ang kumpirmasyon ng Department of Heatlh (DOH) na positibo sa COVID-19 ang kanyang ama kaya agad itong isinailalim sa  isolation.

Pero makalipas ang ilang araw ay nasawi rin ang vice mayor.

Sinabi ni Joms na nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang kanyang ama matapos dumalo sa isang event ng Philippine Councilors League sa San Juan.

Nagpapasalamat naman si Joms sa mga nagpapaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng kaniyang ama.

“Napakasakit po sa aming buong pamilya ang biglaang pagkawala ng Ama ng ating bayan. Wala pong salita ang katumbas kung gaano kasakit at kahirap na hindi siya makita hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay. Ito po ay sa kadahilanang personal niyang hiling na ayaw niyang malagay ang kanyang pamilya sa panganib,” ayon sa Facebook post ni Joms.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with