^

Bansa

‘Barangay officials, workers isama sa ayuda’- solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Hiniling ni House Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd district) kay Pangulong Duterte at sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na lawakan ang mga tatanggap ng ‘Covid-19 emergency subsidy’ at bigyan ng ‘frontline status’ ang mga opisyal at kawani ng barangay, kasama ang secretary, treasurer at tanod upang makatanggap din sila ng ayuda.

Hinikayat din ni Salceda ang IATF na tiyaking patas na matulungan ang mahihirap na pamilya.

Binanggit niya na gumagamit ng iba’t-ibang listahan ang mga ahensiya ng pamahalaan kung saan paulit-ulit na kasama ang miyembro ng ilang pamilya na doble-dubleng nabibiyayaan samantalang marami ang hindi nabibiyayaan.

“Kapag sobra ang nakuha ng ilang pamil­ya, malamang kulang o walang makuha ang iba, lalo na ang pinaka-mahihirap. Maku-kumpromiso nito ang layunin ng ‘quarantine’ dahil ang mga hindi natutulungan ay mapipilitang lumabas at dumiskarte ng ikabubuhay at  maaaring mahawa at maging tagahawa ng Covid-19,” paliwanag niya.

vuukle comment

IATF

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with