Bongbong Marcos nagpositibo sa COVID

Sa pahayag ni Rodriguez, pagkagaling sa Europa ni Marcos ay nagtungo na ito sa ospital noong Marso 14, 2020 dahil sa pananakit ng dibdib subalit umuwi din agad siya dahil sobrang dami ng tao sa ospital na nagpapakonsulta.
Office of Bongbong Marcos/releaased

MANILA, Philippines  — Nagpositibo si dating Senador Bongbong Marcso Jr sa coronavirus disease 2019 o COVID 19.

Ito ang kinumpirma kahapon ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez na nagsabi pa na nasa maayos na kondisyon na ngayon ang una.

Ang resulta umano ng test ng dating senador ay natanggap nitong Marso 28.

Sa pahayag ni Rodriguez, pagkagaling sa Europa ni Marcos ay nagtungo na ito sa ospital noong Marso 14, 2020 dahil sa pananakit ng dibdib subalit umuwi din agad siya dahil sobrang dami ng tao sa ospital na nagpapakonsulta.

Sa kabila nito, huling lumabas umano ang Senador  sa kanyang silid noong Marso 22,2020 para magtungo sa emergency room ng parehong ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga. Pagkatapos isinagawa ang test ay pinayuhan siyang mag-self quarantine na kanya naman umanong sinunod.

Show comments