P1 bilyong donasyon ng NGCP sa gobyerno laban sa COVID
Danessa Rivera (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang National Grid Corp. of the Philippines ay magdodonasyon ng kabuuang P1 bilyong cash at in kind sa pamahalaan para matulu­ngan ang mga medical frontliner sa pagsugpo sa pagkalat ng sakit na novel coronavirus 2019 (COVID-19).

Sa isang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng NGCP na ang donasyon ay nasa anyo ng goods at medical equipment na nagkakahalaga ng P500 milyon at cash na hala­gang P500 milyon.

‘Ang donasyong pera ay para sa ibang COVID-19 emergency purposes na tutukuyin ng inyong tanggapan,” sabi ng NGCP sa liham nito sa Pangulo.

“Makikipag-ugnayan ang NGCP sa inyong team para sa turnover ng aming donasyon.  Patuloy kaming hahanap ng mga oportunidad para masuportahan ang pamahalaan sa paglaban sa pandemic.

Sinabi pa ng grid ope­rator na ang donasyon ay nasa ngalan ng board of directors nito, particular sa major stockholders na sina Henry Sy Jr., Roberto Coyiuto Jr., at State Grid of China Corp.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with