Giit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na paglabag ito sa ceasefire na idineklara ng magkabilang paig sa gitna ng krisis sa COVID -19.
STAR/ File
Pag-atake ng NPA kinondena ng Palasyo
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Mariing kinondena ng Malakanyang ang pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo habang nagsasagawa sila ng community work sa Barangay Puray, Rodriguez Rizal.

Giit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na paglabag ito sa ceasefire na idineklara ng magkabilang paig sa gitna ng krisis sa COVID -19.

Sinabi ni Panelo na ang pag-atake ng mga NPA ay nagpapakita lamang na hindi sinsero ang mga komunista sa pagdedeklara ng ceasefire.

Binabalewala rin umano ng mga ito ang kapakanan ng mga Filipino na sinasabi nilang ipaglalaban gayung inatake nila ang mga sundalo na nagsasagawa ng community work kaugnay sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Inilagay din umano ng mga NPA sa alanganin ang buhay ng mga sibilyan at ginulo ang umiiral na enhanced commuity quarantine sa nasabing lugar.

Nagbabala naman si Panelo na handa ang gobyerno na rumesponde sa anumang pag-atake ng mga rebeldeng grupo kahit na may ceasefire na maituturing na pagtataksil sa kasunduan.

Isang sundalo at isang rebelde ang nasawi sa nasabing engkwentro nitong Sabado.

COVID-19 NPA SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with