Kuha ng babaeng namimili sa isang botika.
AFP, File
SILIPIN: COVID-19 test kits na papayagang ibenta sa merkado
James Relativo (Philstar.com) - March 19, 2020 - 5:19pm

MANILA, Philippines — Isinapubliko na ng Food and Drug administration ang paunang listahan ng mga coronavirus disease (COVID-19) test kits na aprubado na para sa paggamit ng publiko.

Ilan sa mga kits na bibigyan ng special certification ay magmumula sa Tsina at South Korea, ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

Dagdag pa niya, hindi ito basta-basta point-of-care o do-it-yourself kits, ngunit polymerase chain reaction (PCR)-based kits na ginagamit sa mga laboratoryo.

"Meron pang ibang pending applications due for evaluation," ani FDA Director General Eric Domingo sa Inggles.

"Maya't mayang i-uupdate ang listahang ito."

Aniya, sumunod ang mga naturang kumpanya sa mga rekisitor na hinihingi sa FDA Memorandum 2020-006, o "Issuance of Special Certification for Imported Test Kits of COVID-19."

Kasalukuyan nasa 217 na ang nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, habang 17 sa kanila ang binawian na ng buhay.

Una nang sinabi ng Department of Health na tanging ang Research Institute for Tropical Medicine pa lang ang may kapasidad na mag-test kaugnay ng nakamamatay na sakit.

Sa kabila nito, inihahanda na rin daw ng gobyerno ang Baguio General Hospital, Lung Center, UP National Institutes of Health (Metro Manila, Vicente Sotto Medical Center, Southern Philippines Medical Center pagdating sa testing.

Pinag-iingat naman sa ngayon ng FDA ang lahat pagdating sa mga kimakalat na COVID-19 test kits na kahina-hinala at hindi otorisado.

"Sa panahon na ito ng kagipitan, kaligtasan ang prayoridad natin. Kailangan nating maging mapagmatyag sa pagpasok ng mga pekeng produkto at maging mapagbantay doon sa mga magsasamantala sa sitwasyon," dagdag ni Domingo.

Ayon sa World Health Organization, umabot na sa 191,127 ang kumpirmadong tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, tinatayang 7,807 na ang namamatay. Karamihan pa rin ng confirmed cases ay nanggaling sa Tsina, sa bilang na 81,116.

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with