Mga empleyado ‘di puwedeng piliting pumasok – DOLE

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na maaring hindi mag-report ang isang empleyado kahit pa hindi pumapayag ang kanyang kompanya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi maaring pilitin ng mga employers ang kanilang mga empleyado na pumasok kung sakop sila ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na maaring hindi mag-report ang isang empleyado kahit pa hindi pumapayag ang kanyang kompanya.

“Actually kung ayaw payagan ng mga employers na hindi pumasok iyong mga manggagawa puwedeng hindi pumasok iyong manggagawa. They do not have to report, if they don’t want to report or since they are under Enhanced Community Quarantine, then they really cannot report and they will be excused,” sabi ni Bello.

Idinagdag nito na ang hindi pagpasok ng isang empleyado ay hindi maaring maging basehan para siya ay disiplinahin.

Maaari aniyang i-charge sa leave credits ng isang empleyado ang hindi nito pagpasok sa trabaho. 

Pero nilinaw ni Bello na hindi kailangang gamitin ang leave credits ng mga empleyado kung sila ay sasailalim sa 14-araw na quarantine.

Sinabi naman ni Cabinet Secretary at IATF-EID spokesperson Karlo Nograles, na hindi maaaring tanggalin ang isang empleyado kung hindi ito nag-report dahil sa COVID-19.

Related video:

Show comments