Filing ng income tax hanggang Abril 15 lang

MANILA, Philippines — Hanggang April 15 lamang at walang extension na ibinigay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa deadline ng pag-file ng income tax returns (ITRs). 

Ayon sa BIR, ang mga taxpayers ay maaaring mag-file ng kanilang ITRs sa pamamagitan ng BIR website at maaaring magbayad ng kanilang buwis sa online channels tulad ng PayMaya at GCash bago mag-April 15 deadline.

“Hindi po kami magbibigay ng extension, April 15 pa rin. Ang tax po kasi, lifeblood po iyan... Mabobokya naman po ang gobyerno natin kung ililipat ang deadline, kailangan natin ng pondo,” pahayag ni BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa.

Maaaring magbayad ng partial amount bago ang April 15 at i-settle ang kulang na bayarin at mga dokumento tulad ng certificates mula sa accountants bago sumapit ang June 15. Ang mabibigong mag-file ng ITR sa April 15 deadline ay pagbabayarin ng BIR ng 25-percent surcharge, iba pa ang 12-percent annual interest.

Show comments