Graduation ceremony bawal muna

Giit ni Sen. Sherwin Gatchalian dapat na suspendihin ang graduation sa high school at mga moving up activities sa junior high school at sa mga daycare center.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, dapat ipagliban muna ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang graduation ngayong buwan sa mga eskwelahan.

Giit ni Sen. Sherwin Gatchalian dapat na suspendihin ang graduation sa high school at mga moving up activities sa junior high school at sa mga daycare center.

Tinatayang may 3 mil­yong senior high school students ang inaasa­hang ga-graduate ngayong taon.

Paliwanag ni Gatcha­lian, na kapag graduation ay nag-uuwian ang mga magulang na nasa abroad at malalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga estudyante, mga guro at lahat ng school personnel na dadalo sa okasyon.

Dapat anyang sundin ng DepEd ang rekomendasyon ng World health Organization (WHO) sa pagdadaos ng public ga­the­rings tulad ng graduation rites dahil mayroon nang local transmission sa bansa.

Show comments