Aso sa Hong Kong pina-quarantine
MANILA, Philippines — Pina-quarantine ang isang alagang aso sa Hong Kong matapos na mag-“weak positive” sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa Hong Kong Agriculture Fisheries and Conservation Department (AFCD), ibinigay sa kanila ang alagang aso matapos na magpositibo sa COVID-19 ang nag-aalaga rito.
Batay sa preliminary test na ginawa sa oral, nasal at rectal ng aso, lumabas na “weak positive” ito sa COVID-19 ngunit hindi ito nagpapakita ng kahit anong sintomas.
Gayunman, wala pa ring sapat na ebidensya ang AFCD kung maaari bang magpositibo sa COVID-19 ang isang alagang hayop o posible itong makahawa sa tao.
- Latest