EX-PNP chief Purisima in-abswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury
Kaugnay ito ng diumano’y kabiguang niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.
The STAR/Boy Santos, File
EX-PNP chief Purisima in-abswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury
(Philstar.com) - February 28, 2020 - 12:15pm

MANILA, Philippines — Lusot sa walong kaso ng perjury ang dating hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ayon sa Sandiganbayan Second Division, Biyernes.

Kaugnay ito ng diumano’y kabiguang niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.

Sa ulat ng CNN Philippines, sinabing pagmamay-ari ng dating pulis at kanyang misis ang mga kwinekwestyong ari-arian.

Iba pang mga kaso

Si Purisma ay may iba pang mga kaso ng katiwalian sa harap ng Sandiganbayan.

Taong 2016 nang ipaaresto si Purisima, kasama ng 10 iba pa, dahil sa isang diumano’y maanomalyang courier deal.

Kaugnay ito ng kontratang pinasukan ng PNP at Werfast Documentation Agency Inc. (Werfast) noong 2011.

Inireklamo rin ng "graft and usurpation" case si Purisima dahil sa kontrobersyal na Mamasapano massacre sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2015.

Gayunpaman, ibinasura ng Sandiganbayan ang reklamo noong Enero 2020 laban sa kanya at dating Special Action Force director Getulio Napeñas Jr.

Lumabas ang kautusan limang buwan matapos aprubahan ng anti-graft court ang mosyon ng Office of the Ombudsman na bawiin ang mga kahalintulad na kasong inihain laban kay Aquino.

Sa kabila nito, sinabi ng korte hindi ito nangangahulugang wala siyang pananagutan sa pagkamatay na 44 police commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

Aniya, dinisisyunan lang nila ang akusasyong paglabag nila sa Section 3(a) of Republic Act 3019, at pag-agaw diumano sa official functions pagdating sa pagpapatupad ng "Oplan Exodus."

Dati na rin siyang ipinatawag sa Senado kaugnay ng P1.89 bilyong ginastos sa pagbili ng Mahindra patrol vehicles at iba pang procurement projects ng PNP— Philstar.com intern Cody Perez at James Relativo

ALAN PURISIMA PERJURY PHILIPPINE NATIONAL POLICE SANDIGANBAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with