Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, epektibo na ka­agad ang travel ban at ang tanging papayagan lamang na makabiyahe papuntang South Korea ay mga permanenteng residente doon, mga Pinoy na nag-aaral doon at mga OFWs na babalik sa kanilang trabaho.
Philstar.com/Patricia Lourdes Viray, file
Travel ban sa South Korea inutos
Doris Franche, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagbabawalan muna ang mga turistang Filipino na magtungo sa South Korea upang matiyak na hindi kakalat sa bansa ang COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, epektibo na ka­agad ang travel ban at ang tanging papayagan lamang na makabiyahe papuntang South Korea ay mga permanenteng residente doon, mga Pinoy na nag-aaral doon at mga OFWs na babalik sa kanilang trabaho.

Gayunman, bago tuluyang payagang bumiyahe, kinakailangan munang lumagda ang mga ito ng written de­claration na nagsasaad na batid nila ang panga­nib ng gagawin nilang biyahe.

Nagpasya rin ang Inter-Agency Task Force on COVID-19 na agarang ipatupad ang travel ban sa mga pasaherong mula sa North Heongsan province, South Korea kabilang ang Daegu City at Teongdo County.

Papayagan naman umano ang mga Pinoy at mga dayuhang asawa at anak nila, gayundin ang mga may permanent at diplomatic visa na makapasok sa bansa, ngunit kinakailangang sumailalim muna sila sa screening at quarantine protocols.

Ang travel restriction ay muling pag-aaralan matapos ang 48 oras depende sa magi­ging sitwasyon.

Una nang kinumpirma ng South Korea na tumaas ang COVID-19 cases sa kanilang bansa, at siyam sa mga ito ang binawian ng buhay.

Ang South Korea na ang pangalawa sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19, na umabot na sa 1,146 hanggang nitong Miyerkules.

Nangunguna pa rin ang China na umabot na sa 2,769 ang nasawi at 81,229 ang infected.

SOUTH KOREA TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with