Global pandemic sa COVID-19 posible - WHO
MANILA, Philippines — May posibilidad umanong maging global pandemic ang 2019 coronavirus disease (COVID-19) kaya pinaghahanda ng World Health Organization (WHO) ang buong mundo.
Sinabi ng WHO sa sitwasyon ngayon kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng sakit sa iba’t ibang bansa, posibleng hindi magtagal ay maabot nito ang kategorya bilang pandemic.
Ang pandemic anila ay isang infectious disease kung saan mabilis itong kumakalat o naisasalin mula sa isang tao patungo sa isa pang indibidwal sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sakaling umabot sa global pandemic ang kaso ng COVID-19, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na handa ang bansa.
Ani Duque, kasado na ang protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at nakamonitor ang lahat ng concern agencies.
Unang linggo pa lang ng Enero ay pinaigting na ang mga surveillance at isolation, detection, contact tracing at convention measures.
Patuloy din aniyang pinaiigting ang sistema upang agad na maagapan ang pagkalat ng sakit.
- Latest