^

Bansa

‘Digong nasaktan sa ‘di pag-ere ng campaign ad’ - Sen. Go

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasaktan si Pangulong Rodrigo Duterte nang iere ng ABS-CBN ang isang black propaganda na advertisement laban sa kanya ilang araw bago idaos ang halalang pampanguluhan noong 2016.

Ito ang naibulalas kahapon ni Senador Christopher “Bong” Go sa pagdinig ng isang komite ng Senado hinggil sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Go na ang naturang advertisement ay naglalayong siraan si Duterte na alkalde ng Davao City nang panahong iyon.

Sa naturang advertisement, ipinakikita ang mga bata na nagre-“react” sa ilang kontro­bersiyal na pahayag ni Duterte kabilang ang komento niya sa paggahasa at pagpatay sa isang Australian missionary at pagmumura kay Pope Francis.

Ang naturang advertisement, ayon kay Go, ay isang black propaganda na binayaran ni dating Senador Antonio Trillanes IV na kumakandidatong bise presidente noon.

“Paano iyon naging political ad? Meron ba kayong pino-promote na kandidato?  O winawasak ninyo ang isang kandidato? Gusto kong malaman kung ano ang prayoridad ng network. Black propaganda o political ads?” tanong ni Go sa mga executive ng ABS-CBN.

“Hindi mababaw ang rason ng pangulo sa kanyang grievances against the network. Nasaktan ang presidente, nababoy ang presidente,” sabi pa ni Go na dating matagal nang aide ni Duterte.

Kinuwestiyon din ni Go kung bakit mas na­bigyan ng pagkakataon ang nasabing black propaganda laban sa Pa­ngulo kaysa sa kanilang political ads na hindi ipinalabas at ni-refund na lamang ang bayad.

“Hindi na niya (Du­terte) ito tinanggap yung refund, kasi tapos na ang election,” sabi pa ni Go.

Gayunman, sinabi ni Go na aapela siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsidera ang desisyon nitong harangin ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Aapela ako sa kanya dahil ayaw ko may mawalan ng trabaho. Bahala na siya. Desis­yon niya iyon,” sabi ni Go sa mga reporter.

vuukle comment

SEN. GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with