Quarantine pahahabain
Alexis Romero (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas ang Department of Health sa posibilidad na pahabain pa ang 14 na araw na quarantine period para sa mga Pilipinong uuwi mula sa ibang mga bansa na apektado ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng mga ulat na ang incubation period sa virus ay maaaring tumagal nang mahigit pa sa dalawang linggo.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na patuloy na mino-monitor at bina-‘validate’ ng kanilang tanggapan ang mga impormasyon hinggil sa COVID-19 na nakahawa sa mahigit 78,000 tao sa 29 na bansa.

“Nagbabago talaga ito. Lagi naming sinasabi iyan.  Hindi pa namin ito sinasabi at sa ngayon ay 14 na araw lang. Sinusuri namin ang mga ito araw-araw, regular, para malaman namin kung paano haharapin ang sitwasyon,” sabi pa ni Vergeire sa isang press briefing sa Malakanyang.

“Sa sandaling makita namin na kailangang palawigin ang quarantine period, maaaring gawin namin dahil sa mga salik na ito,” dagdag niya.

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with