BI execs sa ‘pastillas’ sinibak ni Duterte!

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ikinokonsidera ng Pangulong Rodrigo Duterte na isang anomalya ang “pastillas” scheme na hindi kukunsintihin ng gobyerno.
STAR/File

MANILA, Philippines – Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga opis­yal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas” scheme o bribery na kumikita sa mga dumarating na Chinese nationals sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ikinokonsidera ng Pangulo na isang anomalya ang “pastillas” scheme na hindi kukunsintihin ng gobyerno.

Anya, paulit-ulit na nilang sinasabi na walang “sacred cows” sa administrasyon at paparusahan ang mga nagkakasala ng naa­ayon sa batas.

Ayon pa kay Panelo, tatalakayin sa susunod na Cabinet meeting ang sitwasyon sa BI at kung papaano ito pinapatakbo ni Commissioner Jaime Morente.

Nakakita rin aniya ng “probable cause” ang Pangulo na pinagbasehan niya ng kanyang desisyon.

Samantala, ipapatawag naman ni Sen. Risa Hontiveros sa susunod na pagdinig ng kanyang komite ang mga pinangalanang opisyal na diumano’y nakikinabang sa mga Chinese nationals.

Matatandaan na nabunyag sa pagdinig na ibinabalot sa bond paper na parang pastillas ang perang pinaghahati-hatian ng mga opisyal at mga kasabwat nila.

 

Show comments