^

Bansa

Pagsuot ng ‘sablay’sa graduation panukala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na toga ay ‘sablay’ na lang ang isuot ng mga estudyante tuwing graduation o end-of-school-year rites sa mga Elementary at Secondary schools sa bansa.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Del Pascua, ang pagsusulong ng ‘sablay’ ay upang maitanim sa isipan ng mga mag-aaral ang pagiging makabayan at nasyonalismo.

“It (toga) is not Filipino; it does not inspire loyalty to the nation but serves as a reminder of a colonial past,” nakasaad sa aide memoire.

Hindi rin aniya praktikal at komportableng gamitin ang toga, na nakatakip sa buong katawan, sa isang tropical country gaya ng Pilipinas.

Nagsusulong rin aniya ito ng uniformity at hindi nanghihikayat ng pag-unlad ng cultural diversity, bukod pa sa ang pagrenta at pagbili ng toga, na may gown at cap, ay karagdagang gastusin pa at pasanin sa mga magulang.

Ang sablay ay isang ‘indigenous loose garment’ na simple ngunit elegante at tradisyunal na ginagamit sa mga pormal na okasyon.

vuukle comment

ALAIN DEL PASCUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with