Karamihan sa mga nagpo-post ng naturang challenge sa social media ay mga estudyante na naka-uniporme pa. Kaya ilan sa mga netizen ay nanawagan sa mga paaralan para umaksyon at parusahan ang mga estudyanteng gagawa nito.
Pixabay
‘Skull breaker challenge’ puwedeng ikamatay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa na namang “challenge” ang pinauuso ngayon sa social media ngunit sa halip na katuwaan ay maaari itong magdulot ng pinsala o mas malala, ang pagkamatay.

Ito ang ibinabala ni Dr. Gerald Belandres ukol sa unti-unting kumakalat na “skull breaker challenge” o kilala rin na “tripping challenge.”

Sa kumakalat na vi­deo ng naturang challenge, binubuo ito ng tatlong miyembro na tatayong magkakatabi.

Isa ang tatayo lang sa gitna habang tatalon ang nasa magkabila niya. Matapos tumalon ang dalawa, ang nasa gitna naman ang tatalon ngunit papatirin siya ng mga kasama habang nasa ere.

Lalagapak ang nasa gitna na maaaring mag­resulta ng mga pinsala tulad ng bali at pilay, pasa, pagkabagok ng ulo.

Maaaring malagay sa “coma” ang partisipante at posible ring kaniyang ikamatay. Maaari rin itong magdulot ng pagiging baldado o kaya ay dipe­rensya sa pag-iisip kapag nakalog ang utak.

Kung hindi pa rin takot sa maaaring kalabasan sa kalusugan, ipinayo ng mga eksperto na dapat handa rin ang mga gagawa nito sa pagbibigay ng first aid at gamot.

Karamihan sa mga nagpo-post ng naturang challenge sa social media ay mga estudyante na naka-uniporme pa. Kaya ilan sa mga netizen ay nanawagan sa mga paaralan para umaksyon at parusahan ang mga estudyanteng gagawa nito.

GERALD BELANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with