Ayon kay Kevin Arroco, information officer ng DepEd-Bicol, nasa 18,000-20,000 mga mag-aaral ang hindi marunong magbasa sa Tagalog at hindi maru­nong sa English.
Edd Gumban/File
20K mag-aaral sa Bicol ‘di marunong bumasa - DepEd
(Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 20-libong mag-aaral sa elementarya ang hindi marunong magbasa sa buong Bicol.

Ayon kay Kevin Arroco, information officer ng DepEd-Bicol, nasa 18,000-20,000 mga mag-aaral ang hindi marunong magbasa sa Tagalog at hindi maru­nong sa English.

Ito ang lumabas sa ulat ng ilang division superin­tendent sa gina­wang pagpupulong ng ahensya.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni DepEd Regional Director Gilbert Sadsad ang validation sa impormasyong libu-libong mag-aaral mula sa Grade-1 hanggang Grade-6 sa buong rehiyon ang hindi marunong bumasa o non-readers.

Kahit kaunting por­syento lang umano ito sa 1.8 milyong mag-aaral sa Kabikolan, dapat ay wala ni isa ang hindi marunong magbasa.

Karamihan sa mga hindi marunong magbasa ay nagmula sa mga mahihirap na pamilya kung saan dahil sa kahirapan ay natitigil lagi sa pag-aaral, malayo ang mga bahay sa paaralan, kagutuman at iba pang aspeto.

May mga estudyante na nakakabasa umano pero hindi naman maru­nong umintindi habang ang iba ay alam ang alpabeto pero hindi alam kung paano babasahin.(Jorge Hallare)

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with