Mga Pinoy sa Wuhan baka ilikas

Kaugnay nito, pinatitiyak ni Sen. Cynthia Villar na hindi magdadala nang nakamamatay na 2019 novel-coronavirus ang mga Filipino sa Wuhan sakaling gumawa ng paraan ang gobyerno upang mailabas sila sa nasabing lugar sa China na naka-lockdown na.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Mag-uusap ang Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) para matalakay ang posibleng pagpapauwi sa mga Pinoy na nasa mga lugar na apektado ng coronavirus.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na kanilang pagdidiskus­yunan kung makabubuti bang magpatupad ng repatriation o hindi.

Ito’y sa harap ng po­sibilidad na baka makalusot ang kinatatakutang karamdaman lalo na’t wala namang kasong naitatala ang bansa ng sakit na COV.

Kaugnay nito, pinatitiyak ni Sen. Cynthia Villar na hindi magdadala nang nakamamatay na 2019 novel-coronavirus ang mga Filipino sa Wuhan sakaling gumawa ng paraan ang gobyerno upang mailabas sila sa nasabing lugar sa China na naka-lockdown na.

Sinabi ni Villar na base sa impormasyon niya contaminated na ng virus ang halos buong probinsiya ng Wuhan.

Dapat aniyang gawin kung ano ang makaka­buti sa mga Filipino sa Wuhan pero dapat munang i-quarantine sakaling maibalik sa Pilipinas.

Nauna rito, inihayag ng DFA na nakipag-ugnayan na ang consulate sa Shanghai, China sa nasa 150 Filipinos sa Wuhan City na pinagmulan ng outbreak.

Sa pahayag noong Linggo, Enero 26, sinabi ng DFA na hiniling ng Philippine Consulate General sa Shanghai sa mga lider ng Filipino community leaders sa Wuhan na tulungan ang mga Pinoy lalo yong mga turista na dumadalaw lamang sa siyudad. 

Show comments