^

Bansa

NPA rebels humalo sa mga evacuees?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng monitoring ang tropa ng militar sa malaking posibilidad na may mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na humahalo sa mga evacuees sa lalawigan ng Batangas bunga ng patuloy na banta ng malakas at mapanganib na pagsabog ng Taal volcano.

“Malaki ang posibilidad. Nagmomonitor kami,” pahayag ni Joint Task Group (JTG) Taal Commander Brig. Gen. Marceliano Teofilo.

Sinabi ni Teofilo na bago ang phreatic explosion ng Taal volcano noong Enero 12 ay nakasagupa pa  ng tropa ng mga sundalo ang grupo ng NPA rebels sa bayan ng San Juan sa naturang lalawigan. Bago ito ay tumatawid lamang galing Mindoro at  Quezon ang mga rebeldeng NPA na dumarayo sa Batangas.

Sa kasalukuyan, tumaas pa ang bilang ng mga evacuees na naitala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC). Nasa 108,799 pamilya o kabuuang 408,949 katao ang bilang ng mga evacuees  na kinakanlong sa mahigit 488 evacuation centers sa lalawigan.

vuukle comment

JTG

MARCELIANO TEOFILO

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with