Nauna ng nagbanta si Duterte na kakanselahin niya ang VFA dahil sa ginawa ng Amerika na kinansela ang US visa ni Sen. Ro­nald “Bato” dela Rosa.
The STAR/Joven Cagande
Pagbasura sa VFA inutos na ni Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng gob­yerno ng Pilipinas ang pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng US sa utos ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na binuo na ng Pangulo ang Termination Committee ng VFA na pinamumunuan ni Foreign Affairs Sec.Teddy Locsin at co-chairman si Defense Sec. Delfin Lorenzana habang miyembro sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Philippine Ambassador to Washington Jose Romualdez.

Sa sandaling mabuo na ang rekomendasyon ng Termination Committee, agad aabisuhan ng Philippine government ang US government at sa loob ng 130 days ay mawawalan na ng bisa ang VFA.

Sabi ni Panelo, ba­gamat mayroong dalawang theory na ang VFA ay isang treaty o isang Executive agreement, naniniwala ang Palasyo na ito ay Executive agreement na maaaring pawalang bisa ng Pangulo na hindi na nangangailangan ng pagsang-ayon ng Senado.

Ani Panelo, ang VFA ay niratipikahan ng Senado ng Pilipinas at hindi Senado ng Amerika kaya ito ay isang Executive agreement at hindi isang Treaty.

Nauna ng nagbanta si Duterte na kakanselahin niya ang VFA dahil sa ginawa ng Amerika na kinansela ang US visa ni Sen. Ro­nald “Bato” dela Rosa.

Magugunitang nagpasa ng resolusyon ang US Senate sa pangu­nguna ng ilang democrats senators na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nasa likod umano ng pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima dahil sa isyu ng ilegal na droga.

Ibinasura na rin ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni US Pres. Donald Trump para daluhan ang US-ASEAN Leaders Summit sa Marso na gaganapin sa Las Vegas, Nevada.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with