Ito ang tiniyak kahapon ni Health Undersecretary Eric Domingo, sa gitna ng pag-aantabay sa magiging resulta ng pagsususuri ng specimen samples ng isang 36-anyos na lalaki na dumating sa Tacloban mula sa Wuhan, China at isang 5-taong batang lalaki sa Cebu, na nagmula umano sa central Chinese City.
AFP/Roslan Rahman
Wala pang kumpirmadong coronavirus sa Pinas
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang kumpir­ma­dong kaso ng novel coronavirus (nCoV) sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak kahapon ni Health Undersecretary Eric Domingo, sa gitna ng pag-aantabay sa magiging resulta ng pagsususuri ng specimen samples ng isang 36-anyos na lalaki na dumating sa Tacloban mula sa Wuhan, China at isang 5-taong batang lalaki sa Cebu, na nagmula umano sa central Chinese City.

“Wala pang lumalabas na case ng novel coronavirus (nCoV) 2019. Categorically we have no confirmed 2019 nCoV in the Philippines,” ani Domingo.

Dapat pa aniyang tukuyin kung anong specific na coronavirus o strain ang tumama sa batang 5-taong gulang kaya ipinadala ang specimen nito sa Australia.

Inaasahang sa Martes lalabas ang resulta ng pagsusuri mula sa Australia.

Una nang napaulat na ang tatlong Chinese tourists na napagdudahan dahil sa nakitang influenza-like symptoms nang dumating sa Kalibo International Airport ay negatibo sa nCoV.

Isa pang flight attendant din ang kusang nagpa-quaratine matapos makaranas ng sintomas ng coronavirus.

Isa pang batang nagmula sa Nanjing, China na dumating sa Aklan airport na may lagnat ay inoobserbahan pa.

May apat na Chinese tourists din na tina-track down ng Bureau of Immigration kung nasaan dahil sila umano ay may exposure sa isang la­laking nagpositibo sa nCoV sa Wuhan.

NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with