^

Bansa

Habeas Data petition ni De Lima ibinasura ng SC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Habeas Data petition ni De Lima ibinasura ng SC
Batay sa 20-pahinang resolusyon ng Mataas na Hukuman, dinismis ng Supreme Court en banc ang hirit ni De Lima na mapanagot si Duterte sa kabila ng tinatawag na immunity from suit bilang presidente ng bansa.
STAR/ File

Laban kay Duterte

MANILA, Philippines — Ibinasura na ng Korte Suprema ang habeas data petition ni Senador Leila De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y harassment at psychological violence ng pangalawa laban sa una.

Batay sa 20-pahinang resolusyon ng Mataas na Hukuman, dinismis ng Supreme Court en banc ang hirit ni De Lima na mapanagot si Duterte sa kabila ng tinatawag na immunity from suit bilang presidente ng bansa.

Ang reklamo ng senadora laban sa pangulo ay dahil sa umano´y verbal attacks nito laban sa kanya nang isapubliko ang ilang mga impormasyon patungkol sa kanyang personal na buhay at umano´y private affairs o relasyon nito.

Sa petisyon ni De Lima, inireklamo nito ang ilang personal na pag-atake sa kanya ng Pangulo at ng mga kaalyado nito.

Aniya, hindi na  saklaw ng mandato ni Duterte bilang presidente ang manira ng sinuman lalo na kung halal ng bayan.

Paliwanag ng Mataas na Hukuman, hindi maaa­ring kasuhan sa ngayon si Pangulong Duterte na isang incumbent President dahil saklaw ito ng tinatawag na immunity from suit.

Posibleng sampahan ng kaso ang Pangulong Duterte kung tapos na ang termino nito.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with