Negosyo sa Tagaytay ipinasara

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ni Departmnent of Interior and Local Government Secretary Epimaco Densing na ang pagpapasara muna nila sa ng lahat ng mga business establishments sa mga lugar na malapit sa Taal Volcano kasama na ang Tagaytay City.

Sa media briefing sa Malacañang, sinabi ni Asec. Densing na hindi maaaring makompromiso ang buhay at kaligtasan ng mga mamamayan.

Ayon kay Densing, kabilang sa kanilang pinapa­sara ang Taal Vista sa Tagaytay City na bukod tanging nakabukas na business establishment sa lungsod.

Kabilang pa sa mga apektadong lugar sa business closure ang mga nasa loob ng 14-kilometer mula sa Taal Volcano.

Tiniyak naman ni Asec. Densing na may cash-for-work program sa mga maaapektuhang empleyado at hindi naman sila papayagang magutom ng gobyerno habang hindi pa naibabalik sa normal ang sitwasyon.

Show comments