"Dapat ding lumapit ang Konggreso sa United Nations upang makialam na nang mapigilan ang digmaan sa nasabing rehiyon, at patawan ng parusa ang US dahil sa unprovoked attack," panapos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.
Litrato mula sa Facebook ng College Editors Guild of the Philippines
Pagkundena ng Konggreso vs US attack sa Iran, Iraq hiningi
(Philstar.com) - January 7, 2020 - 6:53pm

MANILA, Philippines — Hinamon ng House deputy minority leader ang Konggreso na gamitin ang kapangyarihan nito upang kundinahin ang ginawang pagpatay ng Estados Unidos sa military leader ng Iran, bagay na naglalagay daw sa mga Pilipino roon sa peligro.

"Maliban sa pagtiyak ng kaligtasan ng ating mga kababayan sa Gitnang Silangan... dapat ding ipahiwatig ng Konggreso ang pagbatikos nito sa unilateral at 'joingoist' attack ng US government laban sa Iran at Iraq," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Inggles.

Kasama sa mga napatay ng US strike sa Baghdad International Airport si Iranian major general na si Qassim Soleimani, bagay na umani ng matinding pagkundena sa mga mamamayan doon.

Sinabi ng Pentagon na ipina-assassinate ni US President Donald Trump si Soleimani dahil sa pag-atake diumano ng isang "Iran-backed" group sa kanilang embahada.

Nasa 1,600 ang mga Pilipino sa Iran habang 6,000 naman ang nasa Iraq, na pinaghahandaang ilikas ng gobyerno ng Pilipinas oras na tumindi ang tensyon sa Middle East.

Kanina, sinabi na ng Palasyo na handang kumampi ang Pilipinas sa Amerika oras na saktan ang mga overseas Filipino workers sa naturang rehiyon.

Siniguro naman ng Makabayan Bloc na siguradong dadalo sila oras na magpatawag ng espesyal na sesyon ang Konggreso sa escalating tension sa Iran.

"Dapat ding lumapit ang Konggreso sa United Nations upang makialam na nang mapigilan ang digmaan sa nasabing rehiyon, at patawan ng parusa ang US dahil sa unprovoked attack," panapos ni Zarate. — James Relativo

BAYAN MUNA CARLOS ZARATE CONGRESS DONALD TRUMP IRAN IRAQ UNITED STATES OF AMERICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with