Angkas dayuhan ang may-ari

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng binuong Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation  (DOTr) na 99 porsiyentong pag-aari ng dayuhan ang Angkas.

Ito umano ay base sa datos ng Securities and Exchange Commission (SEC) kaya maraming nilabag sa umiiral na batas at guidelines ang Angkas.

Base sa record ng SEC, isang Angeline Xiwen Tham na Singaporean National ang may-ari ng 99.996% ng Angkas.

Sa ilalim ng batas ukol sa common carriers, dapat 60% ng mga Filipino ang nagmamay-ari ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Nabatid pa na nagsasagawa ng operasyon ang Angkas sa labas ng itinalagang pilot run areas.

Marami ring mga commuter na nagrereklamo sa Angkas dahil umano sa paglabag sa kaligtasang pantrapiko, gaya ng hindi pagsuot ng helmet at vest ng mga rider at commuter, at pagpayag sa paggamit ng hindi awtorisadong safety gears.

Show comments