^

Bansa

Tapos ng tubig, kuryente naman sisilipin ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Tapos ng tubig, kuryente naman sisilipin ni Duterte
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng isunod na ng Pangulo ang usapin sa binabayarang konsumo sa kuryente ng mga consumers.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matapos masilip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang concession agreement na pinasok ng pamahalaan at ng dalawang water concessionaires, inihayag ng Palasyo na may mga isusunod pang sisilipin ang Punong Ehekutibo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng isunod na ng Pangulo ang usapin sa binabayarang konsumo sa kuryente ng mga consumers.

Ito’y sa gitna pa rin ng pagnanais ng Pa­ngulo na mabigyan ng proteksiyon ang mga consumers na kumokonsumo ng mga panguna­hing pangangailangan sa araw-araw.

Sinabi ni Panelo na hindi palalampasin ng Pangulo ang anumang makikita nitong iligal at kung saan ay talo o agrabyado ang consu­ming public.

Iisa-isahin ng Presidente ang mga napasok na kontrata ng gobyerno na nasimulan na sa tubig na dito ay inaasahan nang isusunod ang tungkol sa kuryente, transportasyon, telekomunikasyon at iba pa.

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with