Sinabi ni PNP spokesman Brigadier General Bernard Banac na ang kanilang full alert status na nagsimula kahapon ng alas-6 ng umaga ay magtatapos sa Enero 5 ng susunod na taon.
Michael Varcas/File
PNP naka-full alert sa Xmas season
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong panahon ng kapaskuhan, nagpatupad na kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng full alert status.

Sinabi ni PNP spokesman Brigadier General Bernard Banac na ang kanilang full alert status na nagsimula kahapon ng alas-6 ng umaga ay magtatapos sa Enero 5 ng susunod na taon.

Ayon pa kay Banac, ang pagsisimula ng full alert status sa kanilang hanay ay dahil sa nalalapit na kapaskuhan hanggang sa Bagong Taon kaya kailangan dito ay may maximum na presensya ng buong kapulisan.

Nilinaw naman niya na sa ngayon ay wala silang namomonitor na anumang security threat sa Metro Manila o sa anumang panig ng bansa ngayong ka­paskuhan.

Sa kabila nito ay magkakaroon ng police visibility sa mga pampublikong lugar kung saan tinatayang 69,300 police personnel ang magbabantay sa mga airports, terminals, mga daungan at mga mall.

Pinayuhan naman ni Banac ang mga lider ng simbahan na maglatag ng kanilang security measures sa bungad pa lang ng kanilang mga building para masiguro ang kaligtasan ng mga magsisimba.

GENERAL BERNARD BANAC PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with