59000 pulis ikakalat sa Christmas holiday
59,000 pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police
STAR/ File
59000 pulis ikakalat sa Christmas holiday
(Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 59,000 pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police para magbigay ng seguridad sa mga terminals, ports, at shopping areas sa panahon ng Kapaskuhan.

Ito ang nabatid sa ta­gapagsalita ng PNP na si Police Brigadier Ge­neral Bernard Banac sa isang television interview.

“Mula nung weekend na ito, marami nang nagtutungo sa mga bus terminals, airports, at sea ports. At meron po tayong nakatalaga rin para sa mga malls na alam nating dadagsain ng ating mga kababa­yan,” sabi ni Banac.

“And of course yung mga places of worship, mga simbahan. Alam natin na magsisimula sa Lunes ang simbang gabi. Lahat din ng mga firecracker zones ay meron na rin tayong mga nakatalagang pulis para mapigilan ang ano mang paggamit ng mga illegal na paputok,” dagdag niya.

Magiging full alert din anya ang PNP simu­la alas-6:00 ng umaga ngayong Linggo.

Magtatalaga rin ng mga pulis na magmomonitor sa mga lugar na merong mga automated teller machines pero pinapayuhan ni Banac ang mga mamamayan na maging maingat.

“Wag lamang po maglabas ng malalaking halaga kung magwi-withdraw naman po ng pera. Maaari gamitin na lang po yung debit cards ng sa gayon iilan lang talaga o maliit na halaga lamang ang hawak-hawak natin,” sabi ni Banac.

“Wag po magpapakita ng mga malalaking halaga ng pera na inilalabas sa ating mga pitaka or wallet,” dagdag niya.

BERNARD BANAC PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with