Ito ang sinabi ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGU) Concerns Benny Antiporda kaugnay ng deklarasyon ni DENR Roy Cimatu na ang ating bansa lalo na ang Metro Manila ay nasa gitna na ng garbage crisis.
Boy Santos/ File
Krisis sa basura, di mareresolba ng gobyerno lang – DENR
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi kakayanin ng gobyerno kung solo lamang nitong reresolbahin ang krisis sa basura sa ating bansa.

Ito ang sinabi ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGU) Concerns Benny Antiporda kaugnay ng

deklarasyon ni DENR Roy Cimatu na ang ating bansa lalo na ang Metro Manila ay nasa gitna na ng garbage crisis.

“Solid waste management is not the government’s responsibility alone, it is everyone’s business,” pahayag ni Antiporda na siya ring chairman ng National

Solid Waste Management Commission (NSWMC).

Kaugnay nito, nanawagan si Antiporda sa publiko at sa lahat ng stakeholders upang sama-samang lutasin ang problema sa basura sa bansa.

“We shouldn’t wait for the time when there are more trash than fish in the ocean,” sabi pa ni Antiporda.

Hiniling din nito sa publiko na tulungan ang pamahalaan na maiwasan ang paglala ng problema sa basura sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa

ng tamang waste segregation at disposal at hindi itatapon ang kanilang basura sa kung saan saang lugar lamang.

Hindi rin anya magiging matagumpay ang isinasagawang rehabilitasyon ng pamahalaan sa Manila bay kung walang naipatutupad na epektibong solid

waste management sa iba’t ibang lokalidad sa palibot ng naturang baybayin.

BENNY ANTIPORDA DENR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with