^

Bansa

Ceasefire sa CPP-NPA hindi irerekomenda ni Lorenzana

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ceasefire sa CPP-NPA hindi irerekomenda ni Lorenzana
Sa mensahe ni Lorenzana, sinabi nito na wala siyang plano na irekomenda ang ceasefire sa CPP-NPA.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi rin ire-rekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang ceasefire sa hanay ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (NPA) bilang pagbibigay diwa sa nalalapit na kapaskuhan.

Sa mensahe ni Lorenzana, sinabi nito na wala siyang plano na irekomenda ang ceasefire sa CPP-NPA.

Ito’y sa gitna na rin ng nais ni Pangulong Duterte na buksang muli ang peace talks sa hanay ng komunistang grupo.

Gayunman, hindi naman nagbigay ng detalye si Lorenzana kung bakit hindi sila magrerekomenda ng tigil putukan.

Sa panig naman ni AFP Spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo na bagama’t iginagalang nila ang pasya ng Pangulo bilang Commander-in-Chief, tuloy pa rin ang kanilang opensiba laban sa mga rebelde.

Binigyang diin ni Arevalo, hindi sila tutol sa peace talks pero dapat maging sinsero ang komunistang grupo.

Una nang ibinunyag ng AFP, na sa tuwing magkaroon ng peace talks ito ang pagkakataon na pinapalakas ng rebeldeng grupo ang kanilang puwersa.

Ayon sa AFP ginagamit lamang umano ng mga rebel­de ang isyu ng peace talks para makapag-recruit sa hanay ng mga kabataan.

Samantalang kahit uma­no nagde-deklara ng ceasefire ang CPP ay hindi naman ito sinusunod ng NPA rebels, ang kanilang armadong puwersa sa mga field units na pinatitindi pa ang ambushcades, pag-atake sa mga himpilan ng pulisya at mga detachment ng mlitar, extortion at panununog ng mga establisyemento, heavy equipments at iba pa.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with