Lt. Gen. Guillermo Eleazar
The STAR/File
SAF isasabak sa big-time drug lords
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni PNP Chief Directorial staff Lt. Gen. Guillermo Eleazar na isama ang Special Action Force (SAF) sa kam­panya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ito ay dahil sa kwestiyunable umanong integridad sa kapulisan bunsod sa alegasyon ng shabu recycling na bumabalot dito.

Giit ni Eleazar, dapat lamang mag-focus ang SAF commandos sa mga high value targets o mga big time drug lords at traffickers na nais tapusin ni Pangulong Duterte.

Sa speech niya sa graduation ng six classes ng SAF commandos course, sinabi niya na naniniwala siya na ang mga ito ang pinakakwa­lipikadong unit para hu­mabol sa mga big time drug lords.

Dahil na rin ito sa integridad at katapangan na taglay ng mga SAF commandos na pinaka­kwalipikadong mandirigma na hinahanap ni Pa­ngulong Duterte.

 “We cannot expect drug lords to easily give it up because it’s a multi-billion peso business. They will fight for it at all cost. The President, on the other hand, is determined to finish this problem,” ayon pa kay Eleazar.

Subalit ang agresibo umanong kampanya ay nababalutan ng pagkakasangkot ng ibang kapulisan bilang protektor ng mga sindikato ng droga o drug recycling activities kaya mas nararapat na pumasok na dito ang SAF commandos.

Ang pagpasok umano ng SAF ay dapat naka­sentro lang sa operasyon dahil ang intelligence aspect naman ay nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at police anti-narcotics operatives na.

LT. GEN. GUILLERMO ELEAZAR SPECIAL ACTION FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with