^

Istorya ng Pag-asa Film Festival bubuksan ni VP Robredo

(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling binubuksan ng opisina ni Vice President Leni Robredo at ng Ayala Foundation, Inc., ang Istor­ya ng Pag-asa Film Festival para sa 2020, upang hikayatin ang mga Pilipino na magbahagi ng mga kuwento ng inspirasyon mula sa mga ordinaryong mamamayan.

Ikatlong edisyon na ito ng film festival, kung saan maaaring sumali ang kahit sinong Pilipino, mapa-professional filmmaker man o hindi, at maging iyong mga nakatira sa ibang bansa. 

Ang isang entry ay dapat magbahagi ng isang totoong kuwento ng pag-asa sa loob ng isang 3- to 5-minute short film. 

Layon ng patimpalak na magbigay ng plataporma upang maipakilala ang mga kuwento ng mga ordinaryong Pilipino na nagpursige at nagtagumpay laban sa mga dagok sa buhay, at ang pag-asa na kanilang ibinabahagi sa kabila ng mga hinaharap na pagsubok.

Inilunsad ang Istorya ng Pag-asa Film Festival 2020 nitong Miyerkules, Nov. 27, sa Makati City, kasabay ng selebrasyon ng ikatlong taon ng programang Istorya ng Pag-asa ng OVP. 

Para sa mga detalye, magtungo sa www.istor­yangpagasa.ovp.gov.ph. Sa March 27, 2020 ang deadline ng submission of entries.

FILM FESTIVAL LENI ROBREDO PAG-ASA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with